Thursday, April 14, 2011

mga panaginip

lately, nahuhuli ako ng dating sa opisina. masarap kasing matulog lalo na't medyo vivid ang mga panaginip mo, di ba? ganun ang nangyayari sa akin. yun nga lamang, kung sobrang gising na ako, madalas nalilimutan ko. pero hindi itong huling dalawa. may kasama kasing mga "cute" na lalake. hahahaha. :P

o sige, yung una, nasa beach daw ako at parang may kasama pang jetski at magagandang long journey trains na akala mo ay magsasalpukan na, pero hindi pala. tapos habang umiikot daw ako sa mga floating cottages, biglang nandun si artistang rafael na ang tatay ay isang geologist. malamang nasama siya sa panaginip ko dahil kakabanggit lang ng kaibigan ko na nakita na niya ang original na rafael sa conference na pinuntahan niya noong nakaraang linggo. yung jetski siguro ay nagpapahiwatig ng pangarap kong makapag-aral mag-sail at ang tren naman ay ang plano kong mag-long journey trains ngayong agosto.

yung panaginip ko na naman kanina, ang bida ay ako (syempre) at ang pinakamatagal kong crush. naku, ang sarap pala ng feeling ng ka-HHWW siya! LOL. siguro, na-feature sya sa panaginip ko kasi kakausap ko lang siya noong nakaraang araw.

sana naman, sa susunod, mapanaginipan ko naman ang aking long-time lab op may layp! :) sabi kasi ng pag-aaral, napapanaginipan mo ang taong iniisip ka. sana, iniisip na niya ako  ngayon...

No comments:

Post a Comment